Maari bang, maari bang umusog-usog ng konti
Hatihati dahil masyadong masikip ang upuan
At kung iyong kausapin, ako nama’y hindi maselan
At payag matabihan, umusog lang, umusog ng konti
Maari bang, maari bang umusog-usog ng konti
Madadaan sa usapan ang maaring pag-awayan
Sakali mang mayron kang napapansin, sabihin lang
At kung makatuwiran ako’y uusog din kahit konti
Hindi naman buong-buo ang hinihiling ko sa iyo
Ngunit kahit kapiraso maaring magkasundo tayo
Iba’t iba ang katuwiran ng tao sa lipunan
Ngunit ang kailangan lang tayo’y huwag magtulakan
O kayraming suliranin, oras-oras dumarating
Dahil di kayang lutasin hindi na rin pinapansin
Subalit kung tutuusin, iisa ang dahilan
Kaibigan, ayaw nilang umusog ng kahit konti
Hindi naman buong-buo…
O kayraming suliranin…
At kung iyong kausapin, ang kadalasang dahilan
Kaibigan, ayaw n’yo lang umusog ng kahit konti